COVID-19 ALERTO SA KALUSUGAN

**COVID-19 ALERTO SA KALUSUGAN**

Inilabas noong Abril Tres, 2020

Ni: Komisyonado Adam Crum, Kagawarang Pangkalusugan at Panlipunan ng Alaska Dr. Anne Zink, OPisyal ng Punong Medikal, Estado ng Alaska

Alerto sa Kalusugan 010 – Mga Rekomendasyon Tungkol sa Paggamit ng mga Telang Pangtakip sa Mukha

Ang ebidensya nang pang-agham na magagamit hanggang ngayon ay nagpapahiwatig na ang asymptomatic at presymptomatic na pagpapadanak ng virus na nagdudulot ng COVID-19 ay nagaganap.  Nangangahulugan ito na ang mga taong walang sintomas na maaaring mahawahan ng virus at may kakayahang maihatid ang virus sa iba kapag nakikipag-ugnayan nang malapit – halibawa nang; pagsasalita, pag-ubo, o pagbahing.  Pinapataas nito ang pangangailangan para sa buong komunidad sa pagpapatupad ng mga hakbang sa pag-kontrol upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga taong hindi nakakaranas ng mga sintomas ng sakit.

Ang mga pangunahing paraan upang gawin ito ay sa pamamagitan ng sosyal distancing, madalas na paghuhugas ng kamay, at pagdidisimpekta nang mga ibabaw ng lamesa at mga counters.  Ang iba pang mga kaparaanan upang makatulong para mabawasan ang pagkalat habang nasa labas at may mga taong nakapaligid sa labas  ay ang paggamit ng takip sa mukha. Dahil sa nakakaranas tayo nang pangkalawakang kakulangan ng gamit medikal, kasama nang facemasks, ay iminumungkahi na ang lahat ay gumawa nang sarili nilang pangtakip sa mukha at isuot kapag nasa publiko sila kung saan ang sosyal distancing ay mahirap  ipatupad, (hal; sa loob ng groserya at pharmasya). – Lalong lalo na sa lugar na kung saan marami ang tao at mas Malaki ang tyansa nang pagkakahawaan.  Ang mungkahing ito ay nakaagapay sa kasalukuyang pangkalahatang panuntunan ng www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/prevent-getting-sick/cloth-face-cover.html

 

Ang mga sumusunod na hakbang ay lubos na inirerekomenda sa lahat ng mamamayan ng Alaska:

  • Gumamit ng telang pangtakip sa mukha sa pampublikong lugar kung saan mahirap ipatupad ang  sosyal distancing (hal., sa groserya at pharmasya).
  • Siguraduhing ang pantakip ay natatakpan ang ilong at bibig.
  • Huwag na huwag tatanggalin ang takip ng ilong at bibig hanggat hindi nakakarating sa loob ng tahanan.
  • Kapag tatanggalin ang takip sa mukha iwasang mahawakan ang harapan nito (dahil maaaring ito ay nakontaminaan).  Tanggalin ito sa pamamagitan ng paghila sa tali sa may tenga o likod ng ulo at kaagad itong itapon o ilagay na bukod sa isang lalagyan kung ito ay kailangan labhan.
  • Hugasan agad ang mga kamay pagkatanggal ng facemask bago humawak sa ibang bagay sa loob ng bahay.
  • Hugasan o labhan ang facemask ng mainit na tubig at sabon sa bawat paggamit dito.
  • Huwag gumamit ng N-95 o surgical masks; ang mga ito ay nakalaan lamang sa mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan at mga unang tumutugon sa paggamot.
  • Huwag umasa sa mga takip ng mukha bilang pangunahing paraan upang maiwasan ang paghahatid o pagkahawaan ng COVID-19, at mag-ingat sa pagkakaroon ng maling seguridad sa pamamagitan ng paggamit ng mga takip sa mukha.  Patuloy na sundin ang sosyal distancing kabilang ang pagpapanatili nang hindi bababa sa anim na talampakan ang pagitan ng iyong sarili at sa iba pa, manatili sa bahay, pag-was sa paghawak sa iyong mukha, at madalas na paghuhugas ng iyong mga kamay.

Ano ang isang pangtakip ng mukha na tela?

Ang telang pangtakip sa mukha ay isang materyal na sumasakop sa ilong at bibig.  Maaaring iseguridad ito sa ulo sa pamamagitan ng tali o ipalibot lamang sa mababang parte nang mukha.  Maaaring magawa sa pamamagitan ng ibat-ibang materyales tulad ng koton, sutla, o linen.  Ang isang takip na tela sa mukha ay maaaring gawa sa pabrika o tahi sa pamamagitan ng mga kamay, o maaaring gumamit ng mga galling sa bahay tulad ng mga T-Shirts, sweatshirts o tuwalya.

Paano ako makakagawa nang isang gawang bahay na takip sa mukha?

Ang mga telang pangtakip ay maaring gawin mula sa mga gamit sa bahay o gawa sa bahay mula sa mga pangkaraniwang materyales na hindi kailangan gumastos.  May mga ilang website na nagtuturo at video kung paano gawin ito.  May dalawang video kung saan ito mapapanood sa https://youtu.be/VgHrnS6n4iA at https://youtu.be/1r2C1zGUHbU

Gaano ba kahusay gumana ang telang pangtakip sa mukha upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19?

Mayroong limitadong katibayan kung gaano kahusay ang mga takip ng mukha na makabawas sa pagkalat ng COVID-19.  Ang kanilang pangunahing papel ay upang mabawasan ang pagpapakawala nang mga paghinga sa hangin kapag nagsasalita, pag umuubo o bumabahing, kasama ang mga taong may COVID-19 ngunit walang mga sintomas.  Ang mga takip ng mukha ay hindi isang kapalit para sa pisikal na paglayo at paghuhugas ng mga kamay at pananatili sa bahay kapag maysakit, ngunit maaaring makatulong ito kapag pinagsama sa mga pangunahing interbensyons.

Paano ko dapat alagaan ang telang takip ng mukha?

Laging hugasan o labhan ang telang pangtakip ng mukha pagkatapos gamitin ito o araw-araw.  Magkaroon ng nakahiwalay na lalagyan habang hindi pa ito nalalabhan ng sabon at mainit na tubig, at patuyuin sa mainit na temperatura.  Kung kinakailangang gamitin ulit ang pangtakip sa mukha bago labhan, siguraduhing hugasan ang mga kamay pagkatapos isuot at iwasang mahawakan ang inyong mukha.  Itapon ang mga telang pangtakip na:

  • Hindi na nakakatakip sa ilong at bibig
  • Kung ito ay nag-uunat na o nasira ang mga tali
  • Hindi na lumalapat sa mukha
  • Kung may mga butas at punit sa tela

Hindi ito mandato.

Estado ng Alaska COVID-19 Alerto sa Pangkalusugan #010

Bisitahin ang website ng Estado ng Alaska COVID-19 sa coronavirus.alaska.gov para karagdagang impormasyon

Check Also

Dockage rates at Kodiak Ports & Harbors would increase but others would hold steady with proposed tariff changes

Kodiak’s Harbormaster has proposed updating local rates and fees for vessel moorage, petroleum products and …

%d bloggers like this: